MIKA: Tinatanaw ko ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran..Mula ng dumating ako dito sa maliit na Isla na ito sa Palawan kasama si Nanay Martha..nawalan na ako ng imik..Dito ko parating ibinubuhos ang panahon ko sa tabing dagat..atleast dito gumagaan ang bigat ng pakiramdam..Dalawang linggo na mula ng takasan ko ang tila bangungot na nangyari sa buhay ko.. Akala ko pag lumayo ako mapapanatag na ang kalooban ko pero nagkamali ako..halos araw araw akong umiiyak dahil sa pag aalala sa dalawang anak ko na iniwan ko sa Hospital pagkatapos kong isilang.Life is full of Surprise isn't it? Ni sa panaginip di ko inakalang hahantong sa ganito ang buhay ko..Simula ng mangyari ang aksidenteng yun isang taon at kalahati na ang nakakaraan..Sunod sunod na ang mga sorpresang nangyari sa buhay ko..

