Thirty-four Marco... Nakatitig siya ngayon sa iced tea na order niya, hinihintay niya ang kapatid niyang si Mateo. May usapan sila ngayon nito na magkita, kakahatid pa lang niya kay Kyla sa airport kahapon pero parang gusto na niyang sundan ang dalaga doon. Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na naangkin na niya ng tuluyan si Kyla. Kaso lang medyo nanghinayang siya ng malaman na hindi siya ang nakauna sa dalaga. Naikuyom niya ang kamay niya ng maalala ang nangyari noong unang gabi nila ni Kyla. Expected niya siya ang una kay Kyla dahil wala naman siyang nakilala na ibang lalaki sa buhay ni Kyla. Pero naalala niya apat na taon ang mabilis na lumipas at wala siya sa tabi nito. baka nagkaboyfriend na ito noon at iniwanan lang ito kaya ngayon malaya ito. Hindi niya lang matan

