Thirty Marco... Alam na niya kung saan nakatira si Kyla at maging sila Issay. Kaya naman hindi na niya naiwasan na itawag iyon sa kaibigan niya. alam kasi niya na tulad niya gustong gusto na din nitong makita si Issay. Kaya naman si Malik ang una niyang tinawagan. "Yes bro?"sagot nito. "You won't believe to what I'm going to say"aniya sa kabilang linya. "Okay, shoot"walang ganang sagot lang nito. He's grinning from ear to ear, alam niyang mabibigla si Malik sa malalaman nito ngayon. Baka nga magsisi pa ito ngayon kung bakit siya ang pinadala nito sa Paris edi sana ito ang unang nakakita kay Issay at hindi siya. "I found Kyla"pangbibitin niya sa kaibigan. "Talaga"wala pa din gana na sagot ni Malik sa kanya. Sabi na nga ba hindi naman ito magiging excited na malaman nitong nakita n

