Twenty-six Marco... Kahit na pinagtabuyan na siya ni Kyla ng paulit-ulit, hindi pa din siya sumuko. Pinanghahawakan pa din kasi niya ang sinabi ni Kyla noon sa kanya na mahal siya nito. kung siguro hindi sinabi ni Kyla iyon noon sa kanya baka sumuko na siya noong pinatigil na siya nito at hindi pagkibo sa kanya. Pero heto siya ngayon, walang salitang pagsuko sa bokabolaryo niya. kaya naman nasa may gate siya ngayon at hinihintay ang pagpasok ng dalaga. "Good morning Kyla"masaya niyang bati sa dalaga. Napatigil ito sa paglalakad at tiningnan siya nito ng hindi makapaniwalang tingin. Hindi na ito nakaboarding house uwian na ito ngayon sa Tondo. "Kumain ka na ba?"tanong pa niya dito. Pero hindi siya nito sinagot nilagpasan lang siya nito, kaya sinundan na niya ito papasok sa loob. Gu

