Twenty-three Marco... Nakalutang sa alapaap, kulang pa yata iyon na description sa nararamdaman niya ngayon na okay na sila ni Kyla. Para kailan lang hirap na hirap siyang hanapin si Kyla, kahit anong gawin niya hindi niya talaga ito matagpuan. Samantalang boarding house at eskwelahan lang naman ang pinupuntahan nito. Sa loob ng halos tatlong buwan na pagpapatintero nilang dalawa ngayon okay na. "Good morning Kyla"bati niya sa dalaga. Nginitian lang siya nito ng pilit at mukha pa ngang ngiwi ang nagawa nito. "May problema ba? May masakit ba sayo?"nag-aalalang tanong niya sa dalaga. "Wala, masakit lang ulo ko"sagot nito. "Masakit ang ulo mo gusto mo dalin kita sa clinic or better yet sa hospital"nag-aalala niyang sagot dito. Natawa naman si Carla na hindi niya napansin na kasunod p

