Diego POV.. Mag aalas nuebe na ng umaga ay wala pa si Sandra. Mayat maya ay panay ang lingon ko sa kaniyang work station kasabay ng pagtingin sa ko sa aking relo. Panay din ang check ko sa aking cellphone kung may text ito. Ilang sandali lamang ay na ako nakapagpigil at nagtanong na ako kay Lanie. "Lan, nagtext sayo si Sandra?" unang tanong ko. "Ha?. Hindi naman. Bakit? Akala ko magkasama pa kayo" tugon nito na nagulat din. "Baka nagpaalam magsick leave dahil napagod, sos!" Pabiro niya. Tila hindi pa din ako kumbinsido at hindi pa din ako mapakali. Nakailang subok na akong tumawag sa cellphone ni Sandra ngunit cannot be reached lang ang tugon. Alas dyes na ng umaga. "Wala pa si Gie?" Lumapit ulit ako kay Lanie. "Wala pa siya, ngchat siya sa GC at on the way na daw medyo traffic la

