"SIGURO pagod na pagod na si Daryl." Napalingon si Jhanine, naroon ang Mama niya sa may pintuan at nakatayo. Samantalang siya ay naroon sa may wooden bench, nakaupo at tulala. Tila ba malayo na rin ang nalakbay ng kanyang isip. "Ma, nandiyan po pala kayo." Sabi niya. "Kanina pa, anak. At noong isang gabi ka pa rin namin inoobserbahan ng Papa mo." Napatungo siya. Halos tatlong araw na ang nakakaraan simula ng mangyari ang hindi niya inaasahan sa Wedding Anniversary party ng Parents ni Daryl. Tatlong araw na rin halos siya wala sa sarili. Hindi makapagtrabaho ng maayos, at palaging malungkot. Tatlong gabi na rin siya umiiyak sa tuwing napag-iisa siya sa kuwarto niya. "Pagpahingahin mo naman si Daryl, anak. Tatlong araw na siyang tumatakbo sa isip mo eh." Biro pa ng Mama niya. Napangiti
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


