Macy's Pov NAKILALA ko kahapon ang kapatid ni boss Sid dahil inutusan niya ako maghatid ng folder na sobrang importante. Akala ko nga binibiro lang niya ako utusan pero hindi naman pala. Ako naman na tibo ay sumunod sa utos. Ang ganda ng kapatid niya. Kung gwapo si boss Sid ay napakaganda naman ng kapatid niya. Ang bait din ni ma'am Rizza. Gusto nga niya akong papasukin muna sa bahay nila nong hinatid ko ang mga folder pero hindi na ako pumayag dahil may gagawin pa ako. Hindi ako nagka crush sa kanya pero nagagandahan pa rin ako sa kanya. Sabi sa 'kin boss ay hindi daw siya masaya sa pinagdaanan ng kapatid niya. Nalaman ko na dinukot pala ang kapatid niya nong baby pa lamang siya. Namatay ang parents ni boss Sid na hindi nahahanap ang bunso nilang kapatid. Naalala ko nong high school

