Nagising akong ginaw na ginaw. Minasdan ko si Marcong mahimbing na mahimbing ang tulog sa tabi ko habang nakapulupot ang braso at binti sakin.Nakakumot naman kami pero damang dama ko ang nanunuot na lamig.
Nahagip ng Mata ko ang orasan na nakasabit sa taas ng tv, Pasado alas syete na. Dama ang pagod at gutom. Para akong binugbog sa sakit ng katawan ko, pano kasi hindi nanaman ako tinigilan ni marco. Bilid din talaga ako sa tibay ng lalaking to.
"Marco.." mahina kong yugyog sa kanya saka sinubukang iangat ang braso nya para makabangon.
Gumalaw sya ng bahagya pero lalo lang hinapit ang katawan ko at isinubso ang mukha sa leeg ko.
"Marco..." tawag ko pa ulit saka sya niyugyog ng mas malakas. ''Its cold."
Nag angat naman sya ng ulo at halos hirap na iminulat ang mata.
"You feel cold?"
"Yes and hungry." nakangusong sagot ko.
Tumayo naman agad si Marco at pumasok sa isang walk in closet. Matagal na kaming nagsasama pero hanggang ngayon nahihiya pa din ako sa twing ibabalandra ni Marco ang katawan nya sa harap ko. Paglabas nya ay may bitbit na syang damit.
"Here. Its a thermal clothes." sabi nya sabay abot sakin ng damit.
Isang pajama set.
Agad ko namang sinuot yon. Masyadong malaki para sakin pero naginhawaan agad ako ng suotin ko yon.
Kailangan ko pala ipaalala sa kanya ang maleta ko sa sasakyan nya.
Nagsuot lang sya ng boxer at tshirt pagtapos ay nagyaya ng bumaba.
Saka ko lang napagmasdan ang kabuuan ng bahay ni Marco. Maganda ang Design ng Bahay nya at lalaking lalaki dahil walang kung ano anong abubot. Minimalist kumbaga. May dalwa pang Bakanteng kwarto ang sabi nya ay isa para sa mga magulang nya habang ang isa pa ay ginagamit ng mga pinsan nya pag binibisita sya.
"No room for your girls?" taas kilay kong tanong sa kanya na ikinatawa nya.
"The last time i checked i only have one and she sleeps in my room."Natatawa nyang sagot saka hinaplos ang tyan ko. "Maybe ill have two soon if this is a girl." dugtong pa nya. Saka ako hinila na pababa. Nasa kalagitnaan na kami ng Hagdan bago ko na gets ang sinabi nya.
"I'm not pregnant!" sabi ko saka binawi ang kamay kong hawak nya.
Tumigil naman sya at hinarap ako. Dahil nasa mas mababang baitang na sya ay halos magpantay ang mukha namin.
"You will be." bulong nya saka ako hinilang muli.
Asa!
****
Ipanagluto ako ni Marco ng pasta dahil yon ang request ko. Gusto ko ng pastang puti sabi ko pa.
Maya maya ay tumunog ang telepono nya, Agad naman nyang sinagot yun. Mukhang may tumawag para batiin sya kaya naalala ko ang sinabi ni tita na nagcecelebrate sya with friends kapag birthday nya.
"No celebration with friends?" tanong ko ng maibaba nya ang tawag.
Nakaupo ako sa kitchen counter habang sya ay bumalik paghahalo ng niluluto.
Nag angat sya ng tingin at ngumiti.
"No."
"Tita said you always celebrate with your friends." sagot ko.
Lumapit naman sya sakin at hinawakan ang upuan ko para tumigil sa pag galaw. Bahagya syang yumuko para pag pantayin ang mukha namin.
"That was before." sagot nya habang tinititigan pa din ako. "From Now on i will celebrate everything with you." dugtong pa nya saka ako hinalikan ng mabilis.
Kinilig naman ako kaya ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya.
"I love you." nakangiti pa ding sabi ko.
"I love you more." hindi papatalo nyang sagot.
Sasagot pa sana ako ng makaamoy ng nasusunog. Sa huli ay umorder nalang kami ng pagkain. Ganun talaga kapag iniuuna ang landi.!
****
Ang unang mga araw ko sa sweden ay halos ginugol lang namin ni Marco sa bahay. Hindi sya nakapag leave sa trabaho dahil hindi pa kaya ng Daddy nya na bumalik kaya araw araw ay umaalis si Marco.
Masaya namang akong pagsilbihan sya dahil para kaming bagong Mag asawa.
Sa tatlong araw ay palagi nya kong hinahatid sa bahay ng mga magulang nya kapag papasok na sya, kaya maganda din ang naging bonding namin ni tita.
Si stacy naman ay palagi kong sinusubukang tawagan pero hindi ko sya makontak parati.
Hanggang sa hindi ko na natiis at nagtanong na ko kay marco dahil mukhang walang balak sabihin si tita sakin dahil panay lang ang malungkoy nyang ngiti kapag tinatanong ko sya tungkol kay stacy.
"How's stacy? Does she live nearby?" tanong ko kay marco. Ikaapat na gabi ko dito at nakaupo kami sa sala habang nag tsa tsaa. Madalas ay ganto lang kami ni Marco, Nakatambay sa sala magkayakap habang nanonood ng kahit na ano lang.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Marco bago sumagot.
"No, she lives a bit Far." mahinang sagot nya.
"I haven't met any of your cousin's. Do they live far aswell?" Tanong ko pa.
"Yeah a bit." Seryoso pa ding sagot nya.
"Don't worry I'll ask mama if she can arrange a dinner this weekend with Tito Max and my cousin's." dugtong nya.
"So what's the reason why Stacy's engagement was off?" tanong ko pa ulit.
Maang na napatitig sya sakin. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya at nag aabang ng sagot.
Pansin kong hirap si Marco na sagutin ang tanong ko na yon. Mali naman talagang sakanya ko tanungin yon.
"It's okay. I will just ask stacy." sabi ko nalang para matapos ang paghihirap nya. Umayos ako ng Upo at sumandal muli sa kanya.
Niyakap nya ko ng Mas mahigpit. Hindi ko alam Kung guni guni ko lang ba pero ramdam kong parang tensyonado si Marco.
Nilubog nya ang mukha nya sa leeg ko kaya bahagya ko syang nilingon.
"I love you. Please don't forget that." bulong nya sakin.
Tumango ako. Ang mga salitang yon dapat ang magpakalma sakin pero hindi ko alam Kung bakit mas kinabahan pa ko ng marinig yon.
***
Sa sumunod na araw ay maaga kaming nagising ng tunog ng Telepono ni Marco.
Nagmadali syang naligo dahil meron daw silang emergency meeting.
Agad naman akong bumangon na at hinanda ang susuotin nya saka bumaba sa kusina para maghanda ng Almusal.
Minabuti ko nalang na mag gawa ng sandwich dahil alam kong nagmamadali na sya kaya ipapabaon ko nalang.
Pagbaba nya ay iniabot ko na agad ang kape na itinimpla ko.
"Thank you." sagot nya saka inabot ang kape. At hinigop.
"I made a sandwich, wanna eat it now?" tanong ko.
Agad naman syang umiling.
"I'll eat it later baby." sagot nya saka inilapag ang kape sa mesa at niyakap ako.
"I love u beautiful." bulong nya sakin.
"Bola!" sagot ko naman saka bahagya syang tinapik. "You should go, you're late." sagot ko.
"That meeting may last for 2hrs, ill just come back to pick and drop you to mama okay?" tanong nya. Hindi pa fin kasi ako nakakaligo at alam nyang matagal akong magbihis kaya hindi uubra na aantayin pa nya ko..
"Or, I'll just ask tita to pick me." suhestyon ko.
na tinanguan naman nya.
Maya maya ay kinunutan ko sya ng noo dahil napansin kong titig na titig sya sakin.
"Why?" naguguluhang tanong ko.
Nginitian naman nya ko.
"I just love it that you're here." sagot nya habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin. "to wake up and sleep beside you..To come home to you everyday.. It just feels heaven.." sabi nya saka ako niyakap ng mahigpit. " promise me you will never leave me." dugtong pa nya habang nakasubsob ang mukha sa balikat ko.
"But i need to go back." natatawa ko pang sagot. Alam ko naman na ang ibig nyang sabihin ay wag ko syang iwan.
Kumalas ako sa yakap kya kita ko ang lukot sa mukha nya.
"You will never get rid of me." natatawa pa ding sagot ko. "Even if you ask me to leave you-"
"That will never happen." putol nya sa sasabihin ko. "You will marry me, right?" tanong pa nya
"Proposing?" tanong kong patawa tawa pa din. "Can you atleast propose in a romantic way?" dugtong ko pa.
"I will, when the time is right. Please wait." seryoso pa ding sagot nya.
Kinunutan ko sya ng noo. Bakit ba sobrang seryoso nya. "You're too serious. You're giving me weird vibes." sagot ko.
Hindi sya sumagot pero nakatitig pa din.
"Did you do something wrong?" tanong ko ng nakapameyang.
"No. I didn't." Sagot nya. "I need to tell you something but you can wait right?"nagsusumamo nyang sagot.
Basa ko ang alinlangan sa mga mata nya, kinakabahan din ako pero mas pipiliin ko pa din ang maghintay at magtiwala.
Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung saan ba ko magsisimula o kung handa ba ko sa isasagot nya. Kaya imbes na magtanong pa ay Dahan dahan nalang akong tumango at yumakap ng muli sa kanya.
****
Buong umaga ay ginugol namin ni tita sa pamimili. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa plano na mag dinner sa bahay nila kasama ang tito at pinsan ni Marco.
Hanggang Paglabas namin sa grocery ay kating kati na ang dila kong itanong kay tita kung ano bang nangyayari kay Marco pero ayoko namang malagay sya sa alanganin sakaling Hindi nya pwedeng sabihin sakin kaya humahanap sana ako ng magandang tempo ng biglang napansin ko na naglalakad din palabas ng grocery si stacy at may bitbit na ilang grocery bags. Agad agad ko syang kinawayan at halos patakbong sinalubong sya.
"Stacy!!!" tili ko
Nakita ko namang nagulat si tita sa tabi ko pero mas nagulat si stacy.
"P-Precious..." nagulat na sagot nya sa naman.
Kumalas naman ako agad. At excited syang tinignan. Pakiramdam ko ay malaki ang ibinawas ng timbang nya.
"How are you?" excited kong tanong. "you lose weight, are u okay?"
"Y-yes of course." sagot nya saka pilit na tumawa. Nasabi ni mama na na cancel ang wedding nya pero gusto ko pa din na si stacy ang magsabi sakin.
"You dont answer my calls and text ..'' nakanguso Kong sabi saka naglungkot lungkutan pa.
Napayuko naman sya "I-im sorry." sagot nya na hindi ako tinitignan. Ramdam ko ang lungkot nya.
"It's okay" masigla namang sagot ko na nagpaangat ng tingin nya. "but, we arrange family dinner later. You should come, or else i will never speak to you again!" nananakot ko pang sagot.
Ngumiti naman sya ng bahagya.
"I will try."
"No dont try. Come. I want you to come." sagot ko muli.
"Okay'' parang napipilitan nyang sagot.
"Great.!" napapalakpak ko pang sagot saka bumaling kay tita na nakamasid lang samin.
"Let's Go." sabi ni tita. Pansin kong hindi kinausap ni tita Si stacy pero hindi ko nalang tinanong kung bakit.
Sa buong byahe namin ay tahimik kaming pareho ni tita. Naging palaisipan sakin bakit ganon kung tratuhin ni tita si stacy... Hindi kaya ganon din itrato si Marco ng tatay ni stacy? baka kaya halos ayaw pag usapan ni Marco..Pero Okay naman sila noon.
Marahas ang naging buntong hininga ko, hilong hilo na ko kakaisip ng kung ano ano.!
''What's wrong?" tanong ni tita ng makitang sapo ko ang ulo ko.
"mejo nahilo lang ako tita.."sagot ko.
"Naku, baka naman buntis kana!"excited nyang sagot na npalakpak pa.
Napatitig ako sa kanya. Hindi nga kaya?