''Hay salamat off na bukas!'' Halos isigaw ni jc ng makalabas kami sa elevator. Nasa hotel na kami at mabilis na lumipas ang isang linggo. Parang kelan lang tumatanggi pa ko sa pagpunta dito, ngayon ay naka isang linggo n kami. Si Marco ay hindi ko na muling nakita pagkatapos ng huli naming pagkikita. Siguro nga ay hanggang doon nalang. Pinag iisipan ko tuloy kung tama bang hindi ko sinabi ang tungkol sa anak namin. Tahimik lang akong naglalakad sa hallway papunta sa room namin. Ang tatlo ay sige ang daldalann. Sabagay, sanay na cguro sila dahil sa mga dumaan na araw ay ganto na ako. pakiramdam ko nga sumisigla lang ako pag ka videocall ko ang anak ko. Pagtapat sa kwarto ko ay Kinalabit ako ni Mads. ''Hoy di ka sasama? mag bar kami maya.'' aya nya Humarap ako sa kanila at tipid na n

