Joseph POV " Son! One month ka ng ganyan. Napapabayaan mo na si Bubbles at si Bea. Itigil mo na yang pag-iinom mo." payo ni daddy sa akin. Narito ako ngayon sa bahay ko na dating bahay namin ni Crystal noong nagsasama pa kami. Never kong dinala si Bea at Bubbles dito. Kaya naman hindi nila alam ang lugar na ito. Nagpunta si daddy dahil di na rin ako pumapasok sa kumpanya mula nung araw na kinasal si Crystal kay Brent. Marami na akong napabayaan. Ang sabi nya iyak lang daw ng iyak si Bubbles dahil hinahanap ako. Hindi ko talaga maiwasang malungkot lalo na ngayong nag pakasal na si Crystal kay Brent. Mas pinili nya yung preso na yun. Akala ko pa naman mahal nya rin ako. Pero mukhang mas mahal nya si Brent. Yung mga ngiting dati ay akin lang ngayon ay sa ibang lalaki nya na ibinibigay. Wal

