Ja-ir POV Na tahimik si Crystal sa sinabi ko. Inalok ko syang mag pa kasal sa akin kahit alam kong isa lang ang nag ma may-ari ng puso nya. " Hindi kita minamadali Crystal, pero sana tanggapin mo ako sa buhay nyong mag-ina. Hindi ko kayang malayo kayo sa akin ni Jian. Mahal na mahal ko kayong dalawa." sabay talikod ko. Iniwan ko na sila sa Movie room. May malaking sofa naman dun kaya comportable si Jian na dun matulog. Lumabas ako para ma kausap ang taong inutusan ko sa pag kuha sa mag-ina ko sa hospital. " Ano ng balita sa Pilipinas?" tanong ko sabay sindi ng sigarilyo. " Boss hinahanap pa rin si ma'am Crystal at si Doctor Bicos, pero naniwala naman silang patay na si young master." sagot nya. Pinalabas kasi naming nagkaroon ng problema sa operasyon ni Jian at di na naka recover. M

