Joseph POV Tuluyan na ngang umalis ng mansyon sila Bea. Hindi ko alam kung bakit di ako tuluyang naging masaya. Siguro dahil hindi naman kami legally separated dahil nga di na daw nya kailangang pumirma dun. Nagkausap naman kami na pwede kong dalawin anytime si Bubbles at tuloy pa rin ang suporta ko sa bata. "Ate Leslie???" Nagulat ako dahil yung best friend ni ate Caila ay nandito ngayon sa Opisina ko at hinahanap daw ako ayon sa aking secretary. Ang huling kita namin ay sa kasal pa nila Brent at Crystal pero di ko naman sya nakausap dahil umalis din agad ako. Pinapasok ko na sya sa Opisina ko dito sa aking Company. " Hi Joseph! Kamusta?" Bungad nyang bati sa akin. " Hi ate Leslie. I'm fine. How are you? Hindi mo kasama si ate ko?" tanong ko naman sa kanya. " Ahhhh... Pinapunta nya

