Ja-ir POV Ang saya ko pa kanina ng makita si Crystal, actually kahapon pa ako naka laya pero sa condo muna ako tumuloy. Gusto ko sanang I surprise si Crystal. Nagulat pa ako kanina na narito lahat ng kaibigan nya including Joseph. Sobra akong na insecure. Nakaka bakla man pero yun ang totoo. Natatakot kasi ako na kunin sya sa akin ni Joseph. Sana lang talaga ay wala ng ibang may alam na di kami legal na mag asawa. Pero nasira lahat ng plano ko dahil di ko sukat akalain na alam na pala ni Crystal at Joseph. Nakaka gulat pa na sila pala talaga ang tunay na mag-asawa. Katok sa labas ng pinto ang nagpa balik sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Narito ako ngayon sa mini bar ko at nag iinom. Tulog na si Jian matapos ang mahabang pag-iyak. Hindi kasi sya sanay na wala ang nanay nya sa pagtulo

