Naging maayos ang pagtanggap ng mag-asawang Migs at Janna kay Clarita. Sa katunayan itinuring na nila na sariling kapamilya ang babae. Sumusunod at nakikisama naman si Clarita sa kanilang mag-asawa. Maayos at malinis din ito magtrabaho. Si Migs naman ay tuluyan ng iniiwas ang sarili sa kasambahay na si Clarita. Kinakausap lamang niya ito kapag meron siya kailangan o tatanungin. Mas mabuti na iyon. Para mailayo niya ang sarili sa tukso. Sobrang natuwa si Janna kay Clarita. Dahil napapanatili nito palagi ang kalinisan sa bahay. Umalis at dumating silang mag-asawa ay palaging malinis at maayos ang bahay. Bilang konswelo sa kasambahay. Isinama pa ito ni Janna sa N.E Pacific Mall. Binilhan niya ng mga personal na gamit si Clarita. Binigyan din niya ng cash. Bukod pa sa sweldo nito bilang ka

