Maagang umalis ng opisina si Janna ng hapong iyon. Dumaan muna siya sa palengke upang bumili ng ilang personal na gamit. Kailangan niya paghandaan ng maaga ang napipintong plano. Pinili niya ang medyo maluwang na parking area. Malapit iyon sa may vegetables and meat section. Pagbaba niya ng kanyang sasakyan. Napansin agad niya na tila napatuon ang tingin sa kanya ng ilang meat vendors. Isang tumpok ng kalalakihan ang mga nag-uusap na meron mga telang nakatali sa noo. Meron pa nga bahid ng dugo sa mga braso ng mga ito. Marahil ay nagkatay ang mga ito ng karneng baboy, baka at manok. “Ganda naman ng babaeng ito. Dalaga pa kaya siya?” Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang wika ng isang lalaki. “Pre! Mukhang dalaga pa ohh…lapitan mo kaya at tanungin mo ang pangalan tapos

