“Pre! Ito ha… no offend. Magkaibigan naman tayong matalik sa simula pa. Natutuwa pa naman sa inyo dalawa ang buong klase. Dahil sa kabila ng awayan ninyo ni Janna kuno e’ kayo lang din pala ang nagkatuluyan. Tapos ngayon mababalitaan naming super rough. Nakakalungkot lang isipin. Hindi ka ba nakakaramdam ng guilt sa ginawa mo kay Janna? Ano ang nangyari?” tanong ng isang matalik na kaibigan ni Migs. “Bakit naman ako makakaramdam ng guilty? Pre! baka nakakalimutan mo wala ng obaryo si Janna. Hindi lang isa. Kundi dalawa. Alam mo naman siguro ang consequences. Wala na siya kakayahan pa na mangitlog at mabigyan ako ng anak.” Lantaran na wika ni Migs na tumawa pa ng pagak. “Pre! mahirap naman talaga ang sitwasyon mo at naiintindihan kita sa puntong iyan. I am not saying na sundin mo ang pay

