Nagpasya si Janna na magpalipas muna ng init ng ulo. Nakakita siya ng isang swing. Nakapwesto iyon sa isang lagoon malapit sa rice field. Hindi gaanong pansinin ng tao. Masyado siya na-stress sa nakalipas na eksena.
“Migs…ano ba problema mo? Alam mo kanina pa kita gusto sugurin. Nagkataon lang na meron ako kausap. Ang kapal ng mukha mo na sabihan ako ng haliparot. Bakit nakita mo ba ako na naglandi sa tabi-tabi.” Namumula sa galit ang mukha ni Janna. Matapos sugurin si Migs habang nakatambay iyon sa ilalim ng punong acacia. Kasama nito ang mga barkada na mayaman at mayabang din na tulad nito.
“Guys…wait lang ha!” paalam nito sa mga kabarkada. Walang sabi-sabi na hinila siya nito sa braso. Para ilayo sa mga kaibigan nito.
“Bakit nahihiya ka ba marinig nila ang kayabangan mo?” naiinis niya na wika kay Migs sabay waksi sa kamay nito.
“Don’t you ever touch me ha! Mr. Montelibano. You have no right…!” singhal niya.
“At sino ang may rights…? Tigilan mo nga ako ng kaartehan mo, Janna.”
“At tigilan mo din ako ng kasamaan ng ugali at kayabangan mo. Bakit mo sinabi na haliparot ako sa mga kaibigan mo? Dumaan lang ako Migs. Nananahimik ako. Ikaw itong palagi nagsisimula ng gulo sa pagitan natin.” Napahawak sa noo si Janna.
“Totoo naman ang sinabi ko. Bakit ko titigilan?”mayabang na sabi nito.
“Anong totoo na sinasabi mo? Bakit meron ka ba ebidensya? Nakita mo ba na meron ako kalandian na lalaki kung saan-saan?” asik niya kay Migs
“Wala…”
“So! Wala naman pala eh. Manahimik ka na lang. Ang dami mo kuda. Wala naman sense ang mga paratang mo sa akin.”nang-gaga-laiti na ang inis niya.
“Ang sabihin mo meron ka talaga tinatago na kalandian sa katawan. Gawain ba ng matinong babae ang makipagtawanan ng malakas sa isang lalaki.” Namamawis ang ilong ni Migs. Kung bakit naman naiinis na nga siya. Napansin pa talaga ang butil-butil na pawis sa ilong nito. Hmmm…!!! Nagseselos ba ito?
“Huy! Janna…ano ka ba?”
“Paano magseselos ang isang kaaway?”
Saway niya sa sarili.
Ano ba masama kung meron sinabi na nakakatawa ang isa mong kaklase na lalaki? Syempre! Natural reaction mo mapapabunghalit ka ng tawa. Isa pa hindi lang naman siya ang tumawa ng malakas. Madami sila magkakaharap na babae ng makisali sa usapan ang isang classmate nila na lalaki na palabiro. Nagkataon na meron iyon sinabi na talagang matatawa ka. Ikinuwento lang naman nito na
“meron daw isang bata na grade 1…nagtuturo ang teacher at nagtanong ito. “Okey class magbigay kayo ng salita na nagsisimula sa letter U. (A,E,I,O,U). Nagtaas daw ng kamay ang bata para sumagot. Ang sabi daw ng bata “Ma’am UTIN po” at nagtawanan daw ang buong klase.
“Janna…ano ginagawa mo dyan?” boses mula sa kanyang likuran ang nakapagpabalik sa kanyang kamalayan. Napahaba na pala ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. Sa dami naman ng good memories sa buhay niya. Madalas ang bangayan nila ni Migs ang naaalala.
Ngumiti lang siya ng tipid.
“Janna ano ba ang nangyari kanina? Nakita ng buong klase natin ang sagutan ninyo ni Migs.”nag-aalala ang boses ng kanyang kaklase. Inakbayan pa siya nito para aluin ang kanyang pakiramdam.
“Hayun…aksidente kasi na nabasag ko ang ginto niyang relo. Malay ko ba naman na meron nakasabit na relo sa driftwood.”
“Hayyysss…naman kelan na kayo magkakabati ni Migs. Simula pa noong first year high school tayo ganyan na kayo, kainit sa isa’t-isa. Naka-graduate na tayo at lahat…still ganyan pa rin. Hindi ba pwede na mabalitaan ng buong klase isang araw. Init na sa kama ang namamagitan sa inyo….charrrr…chaarrrrooootttt…!!!” komento ng kaklase na akala niya seryoso makikipag-usap sa kanya. Noon pala sa bandang huli ay aalaskahin din siya ng bonggang-bongga.
Hindi niya alam kung bakit sa halip na mainis siya sa sinabi nito. Bigla na lang siya napangiti. “Init sa kama” salitang tila nag-iiwan ng marka sa kanyang isip at puso.
Bakit parang bigla siya nakaramdam ng kakaibang boltahe na hindi niya matukoy kung saan nagmumula?
“Hay! Naku…! hindi mangyayari ang iniisip mo. Malabo pa sa danaw.” pagtutol niya na umirap pa ang mga mata sabay ngiti.
“Naku…Janna…yun iba dyan nagsisimula. Una away-away tapos sa bandang huli pala love…love pala ang isa’t-isa. Kunwari lang pala nagkakainisan outside but deep inside meron na love.” Nanunudyo ang mga mata ng kanyang classmate habang nagsasalita.
“Never…never…talaga…!!! Mas gugustuhin ko pa na tumandang dalaga. Kung sa Marcus Inigo Gabriel Syrus Montelibano lang din ako mapupunta. O di kaya magbibigti na lang ako sa puno ng kamatis.” hirit naman ni Janna na itiningala pa ang mata na pinaikot-ikot ang mga mata.
“Hmmmmm…!!! sure ka ba dyan Janna? Tatandaan ko Yan ha!” nakangiti na sabi nito na ngumiti ng makahulugan sa kanya.
“Oo naman…!”
“Sus…baka naman yun puno ng kamatis ang mamatay sigurado. Imposible yarnnn…so! kung ganun posible yarrnnn…Migs & Janna love…love…love…ayieeehhh…” humahagalpak na sabi pa nito. Umiikot-ikot pa sa kanya habang umaawit.
“Impossible…!!!” wala sa loob na sagot niya.
“Ipapaputol ko itong hinliliit na daliri ko. Kapag hindi kayo ni Migs ang nagkatuluyan. Mark my word.” Umabrisyete pa sa kanyang braso. Matapos siya hilahin para tumayo mula swing.
Sa hindi niya matukoy na dahilan. Bigla na lang nagtayuan ang maliit na balahibo sa likod ng kanyang batok.
“Janna what’s wrong?” puna nito sa kanya ng saglit siya mapatigil sa paglalakad.
“Ahh…wala meron lang ako naalala.” sagot niya.
“Si Migs noh?” nakatawang sagot nito sa kanya
“Ha…? Hindi ahh…!!!” mabilis niyang tanggi. Pero huwag ka, isip lang niya ang tumatanggi. Dahil ang totoo parang meron pinaalala bigla ang kanyang puso na hindi niya alam.
Hindi pwede ito. No…!!! Never…!!! We’re enemy. Hindi mababago ang katotohanan na iyon. Masyado na maraming hinanakit na naibigay sa kanya si Marcus Inigo Gabriel Syrus Montelibano. Bago sila bumalik sa crowd along the swimming pool. Medyo okey na ang kanyang pakiramdam.
Kahit papaano nakatulong ang kanyang classmate na nagpagaan ng kanyang pakiramdam. Aaminin niya natuwa siya sa mga hirit jokes nito.
Subalit tila yata ayaw siya lubayan ni Migs. Dahil ng makita nito na paparating sila. Agad na iyon lumapit. Napaatras na ang classmate na kasama niya ng makita ang binata.
“Saan ka galing? Ang tagal mo nawala. Kanina pa kita, hindi nakikita.” daig pa yata ni Migs ang kanyang magulang sa paraan ng pagtatanong nito.
Wow…!!! Ano ba klaseng tanong ito? Kailan pa naging obligasyon ng kaaway na magpaalam sa kapwa kaaway. Kung saan pupunta. Matapang niya na hinarap iyon.
“Teka lang ha…!!! Ano ba pakialam mo kung saan ako magpunta?” mataray niyang wika. Sabay irap ng kanyang mata.
“Wala…!!! Gusto ko lang…!!! Bakit bawal ba?” mayabang naman na sagot nito.
“Oo! bawal lalong-lalo na kapag ikaw. Magkaaway tayo diba. At sa dami ng sama ng loob na naibigay mo sa akin. Imposible na magkaayos tayo. Yan ang tandaan mo Mr. Marcus Inigo Gabriel Syrus Montelibano.” walang gatol na sabi ni Janna.
Naningkit sa galit ang mata ni Migs dahil sa sinabi niya. Naging dahilan naman ng kanyang pagkatuwa. Ang makita na nagngingitngit ang kalooban nito ay malaking bagay na sa kanyang kasiyahan. Makaganti man lang dito. Bihira kasi niya masaksihan si Migs, na halos umusok ang ilong sa galit, sa tuwing nagbabangayan sila. Parang normal at kaswal lang ito na inaasar siya. Dahil parang tuwang-tuwa palagi na napapaiyak, naaasar at nagagalit siya.
“Ang taray mo talaga Miss Janna Elijah Bermudez. Ibang klase ka talaga. Kaya gustong-gusto kita na napapaiyak.” Pambubwisit pa lalo na sabi nito.