“Kumusta naman kayo dito habang wala ako?”naisipang itanong ni Janna habang sila ay kumakain ng hapunan. Mabuti na lamang at nakuha ni Migs tunggain kaagad ang isang basong tubig na nasa bandang kaliwa. Kung hindi’y baka nagtalsikan ang kanin mula sa bibig. Dahil sa kaba at tensyon na naramdaman sa tanong ng misis. “Love okey naman”isang tipid na sagot ni Migs sa asawa. Hindi siya nagpahalata na kinakabahan. Paano naman kasi ay napadako ang tingin niya sa gawi ng kasambahay. Lihim na nakangiti si Clarita na nakatingin sa kanya na para bang gusto nito sabihin ang lahat ng kaberdehan na nangyari sa pagitan nila. “Ahh…okey love that’s good to hear.”nakangiting sagot ni Janna na itinuloy ang pagsubo ng kanin. Nakahinga ng maluwag si Migs ng makita na mukhang kumbinsido naman ang

