Nanatili lang akong nakatayo, habang nakatingin ngayon kay Keane na siyang naghahanda ng almusal namin. Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa at babatiin siya. Nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang naghahanda ito. Mayamaya ay inaya na ako ni Dylan upang lumapit na kay Keane.
"Hey, good morning!" bati nito sa akin nang makita kaming lumapit ni Dylan. Pilit ang ngiting binigay ko sa kanya, kahit na ayaw ko. Pakiramdam ko ay may kung ano tumutusok ngayon sa dibdib ko. Lalo na at biglang bumalik sa aking alaala ang mga nasaksihan ko kagabi. How could she do that infront of me?
"Oh, I think, she's still tired. Pinagod mo ata, Dylan! Ikaw talaga!" masiglang sabi niya. Kaya doon ko lang nalaman na nakatulala na pala ako sa harapan niya.
"Oh, that's right I'm really tired. By the way, why are you here? Akala ko nasa tagaytay ka na?" sabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano dahan-dahang nawala ang ngiti niya at bahagyang napatingin kay Dylan, na napatingin din sa akin.
"Well, nasiraan kasi ako kaninang madaling-araw. Kaya hindi ako natuloy, hindi ko rin makontak ang ilan sa kaibigan o kapatid ko para masundo ako. Kaya si Dylan ang tinawagan ko. Then, ayon no'ng sinagot niya ang tawag ko, sa kanya na lang ako nagpasundo kanina. Hindi ba siya nagpaalam saiyo?" sagot niya sa akin at napasulyap kay Dylan.
Napatingin naman ako kay Dylan, na tila nagulat sa sinabi ni Keane.
"Oh! Yeah, I didn't tell her, because she's in the deep sleep. Kaya umalis na lang ako, pasensya ka na, hon, kung hindi ko nasabi saiyo," hinging-paumanhin niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango-tango. Right! Mukhang ang galing nilang dalawa, magaling magtago. Ngayon ko lang talaga napagtanto na ang galing nilang magpanggap. Kung hindi ko nalaman ang kataksilan nila sa akin ay siguradong para akong tanga. Ngayon nga ay talagang tanga pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang tanungin ngayon. Para bang nanghina ako at walang lakas upang tanungin sila sa kung ano ang dapat kung malaman.
"By the way, I prepare some breakfast, so, let's eat together," anyaya niya sa amin. Kaya giniya na ako ni Dylan na umupo sa upuan, upang kumain.
"Mabuti naman at nakapagluto ka kaagad," nakangiting sabi ko sa kanya.
Inasikaso ako ni Dylan, nilalagyan niya ng pagkain ang plato na nasa harapan ko at napansin ko rin ang pagsulyap ni Keane sa ginagawa ni Dylan. Para bang nais niyang makita kung paano nga ba ako asikasuhin ni Dylan.
"So, tuloy ka pa rin ba sa tagaytay? Kasi doon kami pupunta ni Dylan, for our honeymoon," sabi ko sa kanya at bumaling kay Dylan. Nais kung maging pormal pa rin sa harapan nila, kahit alam ko nang may ginagawa sila habang wala ako.
Napansin kong napatingin siya kay Dylan, bago sagutin ang sinabi kong iyon.
"Well, yes, tuloy pa rin ang pagpunta ko doon. You know, I need to attend some event there and of course, magkikita rin siguro tayo doon kung gugustuhin nating magkita," nakangiting sagot sa akin ni Keane.
Napangiti ako sa kanya at napatango-tango. Sa sinabi niyang iyon ay siguradong may balak siya o sila na magkita. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at bumaling ako kay Dylan.
"What do you think, Hon? Gusto mo bang isabay natin si Keane papunta doon mamaya?" saad ko kay Dylan. Napatingin siya sa akin, na para bang hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya.
"Well, it's okay for me. So, gusto mo bang sumabay sa amin, Keane?" baling niya kay Keane na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Dylan.
"Kung okay lang sainyo na sumabay, sasabay ako," nakangiting sabi niya sa amin.
Napatango ako at bumaling kay Dylan. Nakita kong nakatingin siya kay Keane, na para bang pareho sila nang iniisip ngayon. Nagpatuloy kami sa pagkain, habang nagk-kwentuhan. Kung indi ko lang talaga alam ang kataksilan nila sa akin ay talagang masaya ako na magkasama kaming tatlo. Subalit, ngayon ay talagang naninikip ang dibdib ko habang nakikita kong masaya silang dalawa sa harapan ko, na para bang wala silang tinatago sa akin. Pinilit kong maging pormal sa kanila, upang hindi nila mapansin na may alam na ako. I need some proof of their infidelity.
Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Dylan, habang nasa harap ako ng salamin at nag aayos ng aking sarili. Hinahalik-halikan niya pa ang batok ko.
"I really like your smell. It's so addictive," halos pabulong niyang sabi sa akin. Napapikit naman ako sa ginawa niyang iyon at nakaramdam ako ng kakaiba sa kanyang ginagawa sa akin.
Iginalaw niya ang kanyang kamay patungo sa dibdib ko at marahan niya iyong pinisil, kahit na may nakaharang na tela doon.
Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa, hanggang sa naaapektuhan na nga ako sa kanyang ginagawa. Pinaharap niya ako sa kanya at agad akong sinunggaban ng halik sa labi. Agad naman akong gumanti sa kanyang halik. Mabilis niyang naipasok sa loob ng aking damit ang isang kamay niya at malayang minasahe ang aking dibdib. Napaungol ako sa kanyang ginawa at talagang hindi ko mapigilang ang sarap na aking nararamdaman. Subalit, sa gitna ng pagpapasarap ng aming mga labi ay biglang pumasok sa alaala ko ang kataksilan nila ni Keane. Kaya bigla ko siyang naitulak at bahagyang lumayo sa kanya.
"Hon? What's wrong?" nagugulat niyang tanong sa akin.
Hindi agad ako nakasagot at umiwas lang nang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang aking ginawa. Wala pa rin akong lakas ng loob upang magsalita tungkol sa kanilang dalawa ni Keane.
"N-Nothing, I almost forgot that my cousin Chelsea will meet me at the lobby. She just call me earlier. Sorry, Hon, I need to go to her now," paliwanag ko sa kanya.
Narinig kong napabuntong-hininga siya at tumango sa akin. Lumapit ako at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Don't worry, mahaba pa ang mga araw na magkasama tayo. Kaya babawi ako sa mga araw na iyon, bilang asawa mo. Kaya huwag ka sanang magtampo sa akin," saad ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.
"It's okay, I understand and your are right, because we are now married. I will do everything to make you satisfied as your husband," nakangising sabi niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Napatango naman ako sa sinabi niya at muling nag ayos ng sarili, lalo na sa damit kong medyo nagusot. Naglagay lang ako ng kaunteng make-up at sabay na kaming lumabas sa kwarto. Sakto namang bumukas ang isa pang pinto mula sa labas ng aming hotel room at bumungad sa amin si Keane na may dalang maleta. Naalala kong nagpaalam siya sa amin kanina, na kukunin niya ang kanyah gamit upang makapagbihis at ngayon heto, bumalik na siya. Mamayang hapon kasi ang alis namin, sakay sa private plane ng pamilya ko.
Napatingin siya sa amin, nang mapansin kami ni Dylan.
"Oh, aalis kayo?" tanong niya sa amin.
"No, ako lang, nasa lobby si Chelsea kaya pupuntahan ko siya. Alam mo na, hindi siya nakaabot sa kasal namin ni Dylan. Ngayon lang siya nakarating mula sa states," sabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano siya napaismid. Yeah, I know right. Her and Chelsea is not in a good term. Chelsea don't like her, same as Keane. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Matagal na naman silang magkakilalang dalawa at lagi rin kaming magkasama noong high school days namin. Sadyang ayaw lang Talaga nila sa isa't isa, hanggang ngayon ata. Ewan ko ba sa dalawang ito, ngunit ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti ko na rin siyang hindi nagugustuhan. Keane.
"Oh, that 'maarte' cousin of yours. Yeah, I saw her at the lobby and she really irritated me. Talagang kinukulit akong papuntahin ka na doon. Go to her, baka kung anong gawin no'n kapag hindi ka pa nakarating," nakaismid niyang sabi sa akin at hinila na ang kanyang maleta. Ngunit, bigla siyang nawalan ng balanse dahil bumangga ang maleta niya sa gilid ng couch. Kaya natigilan ako sa sunod na nangyari, dahil mabilis na binitawan ni Dylan ang kamay ko at hinawakan ang braso ni Keane, saka hinila palapit sa kanya upang hindi siya tuluyang matumba. Sa posisyon nila ngayon, nakahawak si Dylan sa braso at bewang niya. Habang napahawak naman si Keane sa dibdib ni Dylan. Nakita ko kung paano nila titigan ang isa't isa. Tulad nang lagi kong sinasabi kanina, sa aking nakikita ngayon ay magiging normal lang ito kung wala lang akong alam sa namamagitan nilang dalawa. Kaya naman, muling kumirot ang aking dibdib sa paraan ng pagkakatingin nilang dalawa. Pakiramdam ko, ano mang oras ay babagsak ang luhang pilit kong pinipigilan kanina pa.
Hindi ko alam pero gusto kong sumigaw sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala, na ang dalawang taong ito na pinagkakatiwalaan ko noon pa ay magagawa akong pagtaksilan. Hindi ko malaman, kung ano nga ba ang nagawa kong kasalanan upang saktan nila ako ng ganito.
I don't deserve this! I really don't!