Chapter 19

1774 Words

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gilid ng puno, kung saan ako nagtago. Nakasandal ako at nakatingin sa kawalan. Nang muli akong tumingin sa kinaroroonan nila ay nakita kong naging abala na silang dalawa sa pag aasikaso sa pagkain na dala ng mga staff. Kaya naman, nagpasiya na akong maglakad papunta sa kanila. Napatingin sa gawi ko si Keane, nang mapansin akong papalapit at agad naman siyang ngumiti sa akin. Gumanti lang rin ako ng ngiti sa kanya. "Nandito ka pala, akala ko hindi ka pupunta," sabi ko sa kanya, dahil tinawagan rin siya namin ni Dylan, na baka gusto niyang sumabay sa almusal namin at maligo na rin sa dagat. "Well, mamaya pa naman ang usapan namin ng taong kikitain ko dito. Kasalukuyan siyang kinokontak ni Sandro, inaya ko nga iyon na sumabay ang kaso tuma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD