Chapter 19 Chapter 19 PAGKALIPAS ng mga araw, matapos ang pagkamatay ni Mrs. Soledad at bago ihatid sa huling hantungan ang mga labi ni Loise ay taimtim silang nanalangin ng kanilang mga kaklase sa maliit na chapel ng school. At ang ikinamatay nina Loise at Mrs. Soledad ay sadyang naging usap-usapan sa kabuuan ng campus. Naging sentro ng katatakutan ang pagkamatay nila kung kaya't ang iba'y hindi na rin nag-i-stay ng matagal sa school. Pinalilibutan ang altar ng maraming kandila habang sila ay taimtim na nananalangin, subalit hindi nila inaasahan ang sumunod na pangyayari. Dahil matapos lamang manalangin ni Kitch ay agad siyang napadilat at hindi niya inaasahang mamamatay isa-isa ang mga kandila na nagbibigay liwanag sa altar. Nang makita rin iyon ng iba ay nanlaki ang kanilang mga mata

