UMUSBONG ANG mga haka-haka sa bayan na iyon sa pagbibigay ng interes ng mga estudyanteng naligaw lamang sa isang bayan ng Davao. Wala silang kamalay-malay na sila ang susi para mabago ang tradisyon na nakasanayan. Bagama't nalaman nila ang kaunting impormasyon mula sa mga Obalagi ay lalo silang nagiging uhaw na malaman ang buong katotohanan. Sa katunayan ay halos kalahati na ang nalalaman nila at sadyang ang misteryong itinatago ng bayang iyon ay sadyang hindi makatwiran at labag sa batas. Mag-iisang linggo na ang nakalipas magmula nang marating ng mga estudyanteng sina Kitch, Fudge, Loise, Siobe, Daizy at Devee ang bayan na iyon. Hindi nila napapansin iyon sapagkat naging abala sila sa pagtuklas ng misteryong itinatago ng bayang iyon, kung saan ay isang patunay na ang nakasanayan nitong

