MATAPOS ANG pagtitipon at nang mas lumalim pa ang gabi ay itinakdang lumusob ng mga Obalagi sa kabuuan ng Mumayta, kung saan ay malayo sa kanilang pinagtataguan na kweba ay narating nila ang ilang parte ng bayan. Nakahanda rin ang kani-kanilang mga armas gayundin ang maayos na pagkakaupo ng kanilang mga bihag na sina Siobe at Loise na ngayo'y pinipilit pa ring mabuhay. Hindi sila mapaghahalataang mga bihag dahil sa magagara nilang mga damit. Sa katunayan, sa kabila ng kanilang hindi pagsang-ayon sa nakasanayang tradisyon ng mga Obalagi ay natuto na lamang sila na hindi tumakas kapalit ng buhay nila Kitch, upang mabaling lamang sa kanila ang hindi makatarungang pinaggagawa ng mga ito. Sa kabila nang pagdurusa ay naging aral din kay Loise ang kaniyang naranasan, parang mas gugustuhin niya n

