IBINABA ni Ella Jane ang cellphone kahit na nga nasa linya pa si Brahms.
Naaasar siya rito sapagkat lahat ng gusto niya para sa blind date na ito ngayong gabi ay pinakialaman nito. Gaya na lamang ng suot niya kanina na pinapalitan nito dahil masyado raw daring para sa first date at hindi maganda ang magiging impression ng lalaki sa kaniya, samantalang ito mismo ang nagregalo ng dress na iyon.
Pero ngayon, habang nakatitig siya sa kaniyang blind date ay nais niyang pasalamatan si Brahms, naiinis pa rin at the same time dahil ini-set up siya nito ng blind date sa lalaking ito na bagama't matikas at guwapo ay halatang medyo may edad na, siguro nasa forty na ang edad nito.
Nagpatuloy siya sa mabagal na paglakad palapit sa table na nasa sulok ng restaurant kung saan nakaupo ang blind date niya.
Pagkaraan ng ilang sandali ay sinapit niya ang mesang kinaroroonan nito.
Napaangat ang mga kilay niya nang makitang malapit na nitong maubos ang pagkaing nakahain sa harap nito. Medyo na-turned off siya.
Sinikap niyang iignora iyon lalo pa at kaagad niyang nakuha ang atensyon nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at pasimple siyang hinagod ng tingin.
Tumikhim siya at sinikap na ngumiti.
"H-Hi..." nabulol na bati niya rito. "I-I apologise for arriving late, nag-taxi lang kase ako and we got stuck in traffic," natatawa sa hiya na pagpapaliwanag niya rito datapuwa't ang totoo ay nakipag-argumento pa siya kay Brahms.
Kumunot ang noo nito at tahimik na ibinaba ang hawak na kubyertos habang nakatitig sa kaniya.
Kapagkuwa'y napalinga ito sa magkabila nito, tila duda na ito ang kinakausap niya.
Napaangat ang mga kilay niya at pati siya ay napalinga na rin.
Nagkamali ba siya ng nilapitan?
Pero hindi, akma sa lalaking nasa harap niya ang description ng ka-blind date niya.
Ah, siyanga pala, naalala niyang nagpalit siya ng kasuotan at hindi niya iyon nasabi rito.
'Oh,' bulalas niya sa isip at napailing.
"My bad." Umiiling at natatawang sabi niya. "Hindi ko intensyon na—" Naputol ang sasabihin niya nang hindi sinasadya ay napukol ng tingin ang lalaking naka-business suit sa kabilang table.
Abala ito sa paglagok ng water sa baso nito.
'Ah, dumayo ba siya rito para uminom ng tubig?' pangingialam niya sa pamamagitan ng isip.
Gusto niyang manghinayang at nahiling na sana ay ito na lamang ang blind date niya.
Bata pa ito, matikas at talaga namang guwapo. Mala-Tom Cruise noong kabataan ang datingin ng mukha nito.
Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa harap niya na ng sandaling iyan ay nakatitig pa rin sa kaniya.
"You must be Ervin Arellano," paniniyak niya ngayon.
Napaangat ang mga kilay nito at kaagad na napangiti ng malawak. "Oh, yeah. Yeah, it's me. And we're on a blind date, right?" Napatango ito habang natatawa. "Care to join me here." Sinabayan nito ng pagtayo ang sinabi upang ipaghila siya ng upuan.
Napangiti siya ng malawak at kumilos paupo sa silya na hinila nito para sa kaniya habang ibinubulsa ang cellphone.
"Thanks," pagpapasalamat niya habang nakataas ng tingin dito. "It's me, Ella Jane Olesco," tapos ay pagpapakilala niya sa sarili. "Pasensya ka na nagpalit ako ng outfit at hindi ko nasabi sa'yo, Sir Ervin."
Kaagad nitong inilahad ang palad sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.
"It's okay. Just call me...E-Ervin."
Sandaling nagdaop ang kanilang mga palad.
"You look wonderful in your dress," papuri nito sa kaniya bago naghiwalay ang mga palad nila.
"Thanks," maikling sabi niya. Hindi man lang siya nasaling sa papuri nito.
Bumalik ito sa kinauupuan at sumenyas sa waiter na kaagad lumapit sa kanila.
"Give us some oysters and your best champagne, please," order nito sa waiter na hindi na hinintay na maibuka ang bibig upang i-presenta ang menu sa kanila. "And please, take these away from here," dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang mga pagkaing nakahain sa harapan nito.
Napanganga siya habang pinaglilipat-lipat ang tingin dito at sa waiter.
Na-turned off siya nang tuluyan sa lalaking ito. Kumain na nga ito kaagad habang wala pa siya tapos ay nag-order ito nang hindi man lang tinanong kung anong gusto niya.
Akala ba naman niya ay professional ito, pero bakit ganito ang asal nito? Nakakadismaya.
Inulit ng waiter ang in-order nito at nagpaalam na babalikan ang mga nasa mesa.
___
SI Iversen sa kabilang table ay pasimpleng nakatitig kay Ella Jane at nakikiramdam sa lalaking kaharap nito.
Buhat sa kinauupuan niya ay kaniyang nalalanghap ang mild na amoy ng cologne na gamit ng dalaga.
Napatango siya. "Great, the scent of baby cologne conveys a sense of innocence," wala sa loob na nasabi niya, huli na upang bawiin pa sapagkat napatingin na ang dalaga sa kaniya.
Nahuli siya nito sa pasimpleng tingin niya rito kaya nagkatitigan sila.
"And you look like a virgin, thanks," kaswal na sabi ng dalaga bago binawi ang tingin sa kaniya.
Napaarko ang kilay niya at napakibit-balikat. 'Yep, I'm literally a virgin—wait, whaaat?' pipi at pabulalas niyang tanong sa isip. 'Halata bang wala pa akong experience?'
Naasiwa siya ngunit nanatiling nakatitig kay Ella Jane na nang sandaling iyan ay ibinalik ang tingin sa kaniya.
Nakatingin dito ang lalaking kaharap nito sa table kaya naman nakita nitong nakatitig ang dalaga sa kaniya.
Tiningnan siya ng lalaking iyon at hinagod ng tingin.
Tumikhim ito upang bawiin ang atensyon ni Ella Jane buhat sa kaniya.
Eksaktong lumapit ang waitress sa table niya kaya napunta ang atensyon niya rito.
Tinanong siya nito kung handa na raw ba siyang mag-order.
"No, thank you. My date for tonight called, she's not coming. So... I'm leaving," manipis ang ngiting wika niya rito sa kaswal na paraan.
Kinuha niya sa suit pocket ang wallet at kumuha ng cash doon tapos ay sumenyas sa waitress na lumapit sa kaniya.
Lumapit ito at yumukod.
"Do I look like a virgin?" seryosong tanong niya rito, pabulong.
Natigilan ang waitress habang pigil ang ngiti, wari'y kinilig sa tanong niya.
"You don't, Sir." Umiling ito. "You actually look like an expert."
"Eyes to me," pabulong na utos niya rito.
Tinitigan siya nito sa mga mata, seryoso. "You actually look like an expert, Sir," ulit nito sa sinabi.
Seryoso siyang tumango at inabot niya rito ang cash para sa isang basong tubig.
"Keep the change," sabi niya sa normal na tono.
Napasulyap sa kaniya si Ella Jane.
Malawak naman ang ngiti ng waitress nang magpaalam sa kaniya.
Dumating ang waiter dala ang order ng lalaking kaharap ni Ella Jane sa mesa.
Nakita niya ang disgusto sa mukha ni nito nang maingat na binaba ng waiter sa harap ng mga ito ang oysters at bote ng champagne.
"E-Excuse me, Ervin. Gagamit lang ako ng powder room." Tumayo ang dalaga hindi pa man nakakasagot ang lalaki.
"All right, don't forget the way back. I'll be right here waiting for you," pahabol nitong sabi nang tumalikod ang dalaga at malalaki ang mga hakbang na lumakad palayo.
Sinundan niya ng tingin si Ella Jane bago tumayo upang sundan ito.
Sa maikling hallway patungo sa restroom ay nakita niya ito.
Sapo nito ang noo habang nakasandal sa dingding at may ibinubulong sa sarili.
Tinitigan niya ito sandali at bahagyang napailing. Pagkaraa'y lumakad siya palapit dito at agad na itinuon ang kamay sa dingding isang dipa ang layo sa balikat nito.
Ikinagulat ng dalaga ang biglaan niyang pagsulpot sa tabi nito.
"Ano kamo?" tanong niya sa nabiglang dalaga. "Mukha akong virgin?" Hindi niya ito hinintay na makasagot, dumukwang siya para halikan ito pero maagap na umigkas ang palad nito sa kaliwa niyang pisngi.
Nabiling ang mukha niya at ito naman ay mabilis na umalis pabalik sa dining area.
Napapikit siya at napatiim-bagang.
First time niyang masampal at sa palad ng babaeng ito niya iyon natikman.
Umayos siya ng tayo at lumakad patungo sa comfort room.
Aayusin muna niya ang biglaang pagsama ng kaniyang timpla.
Dahil abala ang isip niya kay Ella Jane ay hindi niya napansin ang babaeng kasalubong.
Nasagi niya ito at nabitawan nito ang cellphone.
Pataob iyon na bumagsak sa makintab na sahig.
"I'm sorry, Miss..." kaagad niyang hingi ng dispensa rito sabay yukod at pinulot ang cellphone.
"Oh, gosh!" Bulalas ng babaeng ito nang makitang basag ang screen ng cellphone nito.
'Oh, fvck!' sa isip niya habang tinitingnan ang bagay na iyon. "Uhm, I'm sorry, I didn't —"
"You hit me kaya nabitawan ko ang cellphone ko," putol at pagtataray nito sa kaniya.
"No. I didn't mean—"
"Mahal ang cellphone na iyan," putol ulit nito sa kaniya. "Hindi mababayaran ng sorry mo."
Pasimple niyang sinapo ang noo. "Fvck," gumod niya. "Okay," aniya sa babae. "I'm too busy to deal with you right now. So please, just talk to my lawyer." Kinuha niya ang cellphone sa suit pocket upang tawagan ang abugado para i-settle ang problema.
"Just give me your number," maagap nitong sabi bago pa niya ma-i-dial ang numero ng abugado.
Napatingin siya rito. "What?"
"Simply give me your phone number and the problem will be solved," seryosong wika nito habang hinahagod siya ng tingin.
Napaawang ang bibig niya at pasimpleng napangisi habang napapailing.
Kursanada siya nito, ganoon, at malamang ay sinadya nitong masagi niya para makuha ang kaniyang phone number.
Masyado siyang inosente sa mga ganitong karakas.
Nagkibit-balikat siya. "No problem." Ibinalik niya ang cellphone sa suit pocket at ang wallet ang kinuha.
Kumuha siya ng business card at iniabot iyon dito, mabilis nito iyong tinanggap.
"Wait, what? Business—"
"I have my business phone," putol at pagsisinungaling niya rito bago pa ito makaangal. "If you call, I'll be the one to answer the phone, so if you'll excuse me." Sinabayan niya ng pagtalikod ang sinabi pabalik sa dining area.
"H-Hey, your name," habol pa talaga ng babaeng ito.
"Nasa business card," napapailing na mabilis niyang tugon habang patuloy sa paglakad. Hindi niya ito nilingon.
Alam niyang tinitiyak lamang nito kung siya ba talaga ang may-ari ng business card na iyon.
Malalaki ang mga hakbang niya pabalik sa dining area at natigilan siya nang sapitin iyon.
Bakante na ang table na inu-occupy nila Ella Jane kanina.
Kinutuban siya at hindi iyon maganda.
Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa table na iyon.
Sinapit niya iyon bago pa makalapit ang waiter na naglalakad din patungo roon.
Napakunot ang noo niya nang makita ang cash na nakaipit sa bote ng champagne, ngunit kaagad niyang napansin ang cellphone sa bakanteng upuan ng dalaga sapagkat tumunog iyon.
Bakit hindi namalayan ni Ella Jane na nahulog nito ang mahalagang gamit?
Napaisip tuloy siya.
Dinampot niya ang cellphone at tiningnan.
Nakita niya sa caller ID ang pangalang Brahms.
"Excuse me, Sir, may I—"
"Napansin mo ba ang lalaking nakaupo rito kanina?" putol niya sa pagtatanong ng waiter na ganap nang nakalapit doon.
Napamata ito sa cellphone na hawak niya bagama't tumango bilang tugon sa kaniyang tanong.
"Natanaw ko po sila, halos kalalabas lamang, Sir."
"Sila?" kunot ang noo na tanong niya.
"Opo, mukha po kaseng hindi sanay uminom ang babaeng kasama niya at mabilis na nalasing sa champagne."
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin siya sa goblet na nasa gawi ng silyang inupuan ni Ella Jane.
Hindi ito nagsalin ng alak bago nagtungo sa powder room. Ngunit ang kopita na nakikita niya ngayon ay may kaunting latak ng champagne. Ganunpaman, imposibleng malasing ito.
Tinalikuran niya ang waiter ng walang paalam at nagmadaling tinungo ang exit way.
Napasunod ng tingin sa kaniya ang waiter.
Tinangka siya nitong sundan upang pigilan ngunit nagdalawang-isip ito at nagkasyang ihatid na lamang siya ng tingin.
"Buwisit!" inis at gigil niyang sabi sa sarili.
Napakabilis ng pangyayari.
Kung may masamang mangyari kay Ella Jane sa mga kamay ng lalaking iyon ay cargo de conciencia niya.
Muling nag-ingay ang cellphone ng dalaga na hawak niya nang nasa exit way na siya ng restaurant.
Dahil nagi-guilt siya sa ginawa niya kay Ella Jane ay wala siya sa sarili nang sagutin niya ang tawag ni Brahms.
"EJ!?" bungad nito buhat sa kabilang linya, bakas sa boses nito ang pagkabalisa.
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Brahms. Habang hinihintay niyang magsalita itong muli ay hindi sinasadyang natanaw niya sa parking lot si Ella Jane na akbay ng lalaking kaharap nito sa table kanina at kasalukuyang isinasakay sa kotse nito.
Naalarma siya.
Tinapos niya ang tawag at ibinulsa ang cellphone.
Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng sasakyang iyon.
"Hey!" paasik na untag niya sa lalaking ito nang makitang naisakay na nito sa passenger seat ang dalaga.
Nakita siya nito at nagmadali itong kumilos pasakay sa driver seat.
"Freeze or I'll shoot you!" sigaw niya at umaktong bumubunot ng baril sa baywang.
Huminto ito sa pagsakay at tiningnan siya ng diretso.
"She's with me," wika nito na para bang alam na kung anong kailangan niya rito.
"Oh, really!?" maanghang niyang turan. "You drugged her to take advantage of her, huh." Napangisi siya. "I'm Atty. Ervin Arellano and I'm actually her date." Madiin ang bitaw niya sa mga huling salita.