Mabilis itong tumango saka napangiwi at napa-igik. "F*ck. Ang sakit." Nilukob siya ng pag-aalala. "Wait… stay still tatawagin ko si Doc." Tumakbo siya palabas ng ICU saka lumapit sa Nurse Station. "Si Law..." hinihingal siya, "ang pasyente ko... gising na." Nang marinig ng Nurse ang sinabi niya, kaagad ang mga itong pumasok sa ICU, ang isa naman ay nagpa-iwan para tawagan ang Doctor ni Law. Siya naman ay kaagad na bumalik sa tabi ni Law. "Maxine..." naabutan niya si Law na panay ang tawag sa pangalan niya. Hinawakan niya ang kamay nito saka hinalikan ang likod niton. "Nandito lang ako. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan." Hindi umimik si Law, basta nakatitig lang ito sa kaniya habang sinusuri ito ng mga Nurse na naroon. Hindi nito inalis ang mga mata sa kaniya kahit na dumating

