"I insist." Huminga siya ng malalim saka tumango. "Sige." Maybe this guy can help lessen the pain she's feeling. Saglit lang naman or maybe ngayong araw lang then cut off na. Never again. I know, now ginagamit ko siya pero ngayong araw lang. "Where?" "Follow me." Hinawakan siya nito sa kamay ay masuyong hinila. Nagpaubaya naman si Maxine kay Michael hanggang sa makarating sila sa isang Cafe sa loob din ng Mall. Pagkatapos nilang mag-order, inukupa nila ang mesang nasa gilid, katabi ng salaming dingding ng cafe. "So?" Panimula ni Michael. "Why are you crying?" Huminga siya ng malalim. "Wala 'to. Napuwing lang ako kanina." "Are you sure?" Tumango siya. "Ayos lang ako." Pilit siyang ngumiti. "Salamat pala sa hot choco." Michael smiled. "Anything for you, Max.” “Don't call me

