NAGISING si Maxine sa isang maputing kapaligiran at amoy ng gamot ang nanunuot sa ilong niya. Mukhang nasa isa siyang Hospital. Sinusuri siya ng Doctor ng magmulat ang mga mata niya. "Mabuti naman ang gising ka na." Anang Doctor. Umupo siya at luminga-linga. "P-paano ako napunta rito?" Ang huli niyang naaalala ay bumunggo sang kotse niya. "May tumawag ng ambulansya dito sa Romero's Hospital Main. Mabuti nga at may nakakita sayo at may nag magandang loob." Anang Doctor at itinuro ang shoulder bag niya na nasa uluhan niya. "Yan ang mga gamit mo na nakuha ng staff namin dito sa Hospital." Ngumiti ito. "Sana walang nawawala sa gamit mo. Anyway, hindi naman masyadong malakas ang pagkakabunggo mo sa poste ng ilaw kaya huwag kang mag-alala. Nasugatan ka lang sa nuo kasi tumama iyon sa gi

