Napatigil ako sa pag lalakad ng makita ang unahang bahagi ng lugar ng mga Leviticus. Tahimik ang paligid at tanging malamig na hangin at ingay ng apoy ang naririnig ko, nasaan ang mga taga Leviticus? Agad akong naalarma ng may marinig akong mga yabag, agad akong nag tago sa isang malaking puno at dahan dahang sumilip. Napalunok ako ng makita ko ang mga studyante ng Leviticus, pero wala don si Dark. Nasaan si Dark. "Wag kang maingay." Halos mapatalon ako ng may magsalita sa tabi ko, napatingin ako don at nakita si Dark na gaya ko ay nakasilip din. Bigla siyang napatingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin. "Pag nawala sila, aalis tayo at babasagin ang base ng Castro." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. "Akala ko ba pinapunta mo ako dito para ituro kung nasaan si Zero?" Tanong ko, t

