"Mahusay." Naka ngiting salubong sa amin ni Mr Steler ng makalabas kami sa simulator kasama si Fly. Napangiti ang mga kasama ko. "Maaari na kayong mag pahinga dahil bukas ay mag tutungo na tayo sa Arena."sabi naman ni Admiral. Nanuod sila ngayun ng huling training namin. Bukas ay naka takda kaming mag tungo sa arena kung saan gaganapin ang MLA. "Moon, nagugutom na kami. Lulutuan mo ba kami ulit ng Pansit?"tanong ni Star habang nag lalakad kami. "Oo nga Moon, saka hindi ba napapanis ang laway mo? Bakit parang tumahimik ka naman ata? Ilang araw ka na naming nakikita na tahimik." Sabat naman ni Rain. Ngumiti lamang ako sa kanila. "Hayaan niyo na nga yang hampas lupa na yan, baka tuluyan na siyang nabaliw."sabi naman ni Red at inirapan ako. "Ayus ka lang ba?" Napatingin ako sa katabi ko,

