"Tabi tayo Moon." Sabi ni Shadow at napatingin sa akin. Ngumiti ako at tumango. Isang magarang Limousine ang naririto ngayun sa harap namin, akala ko ay bus ang susundo sa amin papunta sa arena. Iba talaga pag mayayaman. "Akin na yan ako na ang mag dadala."sabi ni Shadow at inagaw sakin ang bag na hawak ko. Napangiti ako. "Kaya mo ba? Ang dami mo kayang dala."sabi ko, natawa siya. "Wag ka ngang panira. Nag papakitang gilas ako sayo."sabi niya na mas kinatawa ko. "Alam mo, akin na yan. Baka matabunan ka na ng bag sa sobrang dami ng dala mo."sabi ko at inagaw ang bag na kinuha niya sa akin saka ang isang bag na hila hila niya. "Pero ayokong napapagod ka."sabi niya. "Eh di sana all." Napalingon kami sa likod namin at nakita si Star na nakatingin sa amin. "Sana all may Shadow."sabi ni

