ALICIA Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang oras ng exam. Naging abala kaming lahat dahil dito lalo na’t sasamahan pa ito mga projects. Sa mga nakalipas na araw, mas tumutok ako sa paggawa ng exam kaya hindi ko nabibigyan ng pansin ang paligid. Kahit nga punta si Travis ay hindi nagtatagal dahil sa sobrang busy ko. Totoong busy talaga ako kaya naintindihan niya. Simula nang gabing iyon, hindi na muna siya pumupunta sa bahay. Ang init noong gabing iyon pero nakaya niyang kontrolin ang sarili which I admire him for. Sa ngayon, kapag may tanong na naman siya ay email na ulit pinaparaan. Mas madali siya pero dahil sa busy ako, inaabot ng dalawa hanggang tatlong araw bago ko mabuksan. “Handa na ba ang test paper mo?” tanong ni Cleo pagkaupo ko sa aking upuan. Uwian na pero d

