“Ano ba sa tingin mo ginagawa mo. Mag bihis ka nga.” mariin na bulong ni Brent ng lapitan sya nito habang inaayos nya ang buffet table. “Umalis ka brent nag tatrabaho ako.” “Crew ka dito sa farm at asawa ni Diego ang papel mo. Hindi pokpok na nag aabang ng customer. Mariin na bulong ni brent na halatang gitil na gitil na habang kunwaring kumukuha ng pagkain sa mesa. Ano bang problema sa suot nya naka maong short sya na kalahati ng hita nya meron pa syang cycling sa loob. Itim na hapit na sando naman ang pangloob nya habang pinatungan lang nya ng dilaw na long sleeve na bukas lahat ng botones at nakatupi sa siko. Naka leather boot naman sya na hanggang bukong bukong lang nya kung tutuusin para syang mag hihiking at di naman malaswa ang suot nya sadyang kailang lang nyang mag pakita ng cle

