Magmula ng huling pag-uusap namin ni Reagan sa parke, hindi ko na sya nakita pa ule. Lumipas ang ilang buwan bago kami naging opisyal na magkasintahan ni So Jin. Alam na din ng mga bata ang tungkol sa Tito Reagan nila at tungkol kay So Jin bilang tunay nilang ama. Masayang isipin na buo ang aming pamilya. Naalala ko tuloy kung paano nalaman ng mga bakla kong kaibigan ang tungkol sa amin ni Park So Jin nang kami ay naimbitahan sa swimming party para sa kaarawan ng nobyo ni Leni. Nakita kami ni Amanda na nagtatalo sa swimming party ng then-boyfriend ni Leni at nacurious ang babaita at tinanong din ako kalaunan. Sinubok din kami ni So Jin ng pagkakataon ng maospital ang kambal habang nasa swimming party. Sinundan din nya kami dahil doon ko lang nalaman na magkaibigan pa sila ni St

