Zaiden Sa loob ng silid ni Oceane, halos kasing laki ito ng silid namin sa dorm. May malaking cabinet sa may bintana, may lamesa malapit sa pintuan, marahil ay study table niya at ang kama niya, di gaanong malambot, kasya lang ang isang tao ngunit mabango ang unan at kumot, dahilan para mapangiti ako. 'Dito siya natutulog..' Sa taas ng lamesa niya, may tatlong larawan doon. Una ay larawan ng isang baby, pangalawa naman ay nang mag graduate siya, marahil ay grade school days at pangatlo ay graduation ulit, baka secondary school. Bumalik ako sa kama at humiga. Nagflashback sa isip ko ang mga tingin ng Mama niya, ni Marlin. May kakaiba sa mga mata nito. Parang gumamit siya ng potion. 'Iba talaga ang nararamdaman ko sa Mama ni Oceane, may kakaiba sa kanya. Ano kaya 'yon?' Isa pa may iba

