Jacob "Hindi naman ito ang unang beses na nilapitan siya ng bampirang 'yon." sabi niya. "Ilang beses na siya dinadalaw nito sa dorm nila simula ng pumasok siya dito." "What?" tanong ko "Natatandaan mo noon may kumalat na issue tungkol sa kaibigan mo at kay Alfiro?" tanong niya "Iyon bang may nangyari sa kanilang dalawa?" sabi ko 'Paano ko naman yun makakalimutan, isa yon sa pangyayaring sobrang pinagsisisihan ko.' Tumango si Evarard. "Gawa-gawa lang ng maduming isip ang tsismis na 'yon, but what really happened, nakita ni Alfiro ang bampirang iyon sa silid ng kaibigan mo. And my opinion is maybe after masiguro ni Alfiro na walang nangyari sa friend mo saka siya lumabas ng room kung saan may nakakita sa kaniya." sabi niya Hindi ako nagsalita, iniisip ko din ang sinasabi ni Evarard.

