A/N: This will be the last chapter of Anna and Uno's story. Thank you for joining me and reading their story. Next chapter would be Uno's POV. ------ Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko habang papasok kami sa mansyon ng mga Contreras dito sa Maynila. Ngayong gabi naman napagdesisyunan na pumunta para matapos na rin lahat ng ito. Kahit hindi nila ako matanggap basta si Luna tanggap nila, walang kaso sa akin. "Ready?" Uno asked me. Lumingon ako sa kanya at tumango. Inihinto niya ang kotse sa parking lot at tinanggal ang seatbelt. Tinanggal ko naman ang akin. "Mama, is this Daddy's house?" tanong ni Luna. She's wearing a yellow sleeveless dress, I braided her hair as well para malinis ang itsura niya. Dahil walang mga nakahalang na buhok sa mukha niya ay kitang-kita ang

