"No jowa nga." pag-uulit ni Vida sa akin. We met today kasama si Lena sa isang malapit na mall. Namasyal na rin kami ni Luna dahil ayokong mag-isip nang mag-isip. Pinasa ko na kay Francis yung plano, magkikita na lang daw ulit kami kapag finalize na yung construction date ng bahay. I ignored them at uminom lang sa shake na nasa harapan ko. Luna's enjoying her strawberry milkshake. "Eto ang bitter sa ex. Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kanya ang tungkol diyan sa bata?" tanong ni Lena pagkatapos inguso si Luna. Umiling ako. Kinuwento ko kasi yung naging engkwentro namin ni Uno sa opisina nito. Isang linggo na rin yung nakakaraan. "Eh bakit hindi pa?" they both asked. "Paano ko naman kasi masisingit? Nag drama sa past naming dalawa." sagot ko. Isa pa sinadya ko na rin na huwag pag-u

