"Oo nga. Wala nga si Uno diyan ngayon." natatawang sabi ni Ma'am Alex sa akin. Pang-ilang beses na ba akong nagtanong sa kanya ngayon. Natapos na rin ang intrams ng hindi ko siya nakita pa. Ayos na rin iyon para nakagagalaw ako nang maayos at payapa. Ngayon na lang ulit ako nakabalik sa tutorial ko. Hindi ko naman mabitawan dahil sayang ang pera lalo na at nakaalis na si Tiyang. Ako na ang bubuhay sa aming magkakapatid dahil nakakulong pa si Mama. "Sigurado po kayo ah?" "Oo nga, Anna. Sige na mahuli ka pa." Hinatid kasi ako ni Ma'am Alex sa bahay ng mga Contreras. Nahihiya nga ako sa kanila na ngayon na lang ulit ako pumasok. Si Ma'am Alex ang nagpaliwanag para sa akin kaya naunawaan naman ni Ma'am Grace. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko hanggang sa umapak ulit ak

