Umaga ng Enero nang pangalawang beses kong naramdaman ito. Hilong-hilo ako at halos ilabas ko ang nasa sikmura ko kahit hindi ako kumain kagabi. Ikalawang beses na nangyari sa akin ito at mula kahapon ay nararamdaman ko na ito. Noong mga nakaraang araw naman ay hilo lang. Baka kasi sa grade ng salamin ko o baka sa stress. Hindi ko pa rin sinasagot ang tawag ni Uno sa akin. Wala rin akong balita kung nakabalik na siya sa Pilipinas. Pero kung nakabalik siya ay sana bumisita man lang siya sa akin kahit papaano. Pero hindi, wala. Gustong-gusto ko na rin gumawa ng social media para subaybayan siya pero pinigilan ko. Sina Lena at Vida ang nagbibigay ng impormasyon sa akin. Tulo nang tulo ang luha sa mga mata ko pagkatapos kong dumuwal sa kubeta. Napasandal na lang ako doon. Hindi ko alam

