"What?" may himig na inis pa sa tono nito. "So ganoon na lang talaga iyon, Travis? Basta mo na lang kami itatapon ng wala man lang explanation?!" galit na sabi niya. "Ano na naman ba ito, Luisa?! You wanted this that is why I am giving it to you right now!" galit din na sagot nito. Hindi niya alam kung bakit tila may kulang, wala man lang ba itong paliwanag? Ni wala man lang itong kahit na anong sinasabi sa kan'ya tungkol sa asawa niya, amg daming tanong na gumugulo sa isip niya. "Ang asawa ko." "What about your asshole husband?!" matigas na sabi nito. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mateo!" mabilis na sagot niya. Mabilis naman itong napangiti. "I didn't know na gan'yan ka na katanga ngayon. I thought you are more than this." "Hindi ako tanga!" "Really?" amused na amused na s

