Mabilis siyang lumakad at may tinawagan sa may cellphone niya. "Hello, mom. I need your help." Mabilis na sabi niya nang sagutin nito ang tawag mula sa may kabilang linya. This is between life and death. He had no choice but to seek help. Nang dumating si Travis ay nakahinga siya ng maluwag. Kita niya ang pagal at lungkot sa mga mata bito at naiintindihan niya iyon. "Patawarin mo ako." Malungkot na sabi niya rito nang lapitan niya ito at tabihan mula sa pagkakaupo. Kita niya kasi ang minsan pagkatulala nito. Mabilis naman itong bumaling sa kan'ya pagkatapos ay hinawakan nito ang isang kamay niya at marahang pinisil. "Why are you sorry?" "Dahil hindi ko nasunod ang plano. Kung sana ay hindi ako basta na lang sumunod kay Mateo ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Nawala lahat ng mga

