Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. "Sa tingin ko ay hindi ko na kailangang sagutin pa iyan. Wala na akong obligasyon sa iyo Travis dahil matagal na tayong tapos." "No, you are wrong. Simula ng bigla mo na lamang akong iwan Luisa, hindi tayo kailanman natapos," matigas na sabi nito. "Binalikan kita, Travis," titig niya sa mga mata nito. "What do you mean?" kunot-noong tanong nito. "Ilang beses akong nagpabalik-balik ng mansiyon niyo pera wala ka na. Umalis ka na raw para mag-aral sa ibang bansa, kaya nawalan na ako ng pag-asa at mas--" "What are you saying? Luisa, hindi ako kaagad umalis. I am here in the city. I got devastated, araw-araw ay lasing ako. Naghahanap ng gulo. Naghanap ng iba't-ibang babae to forget you. Sinayang ko ang halos dalawang taon ko sa paglimot sa iyo, pero

