"Mom! Hindi niyo gagawin iyan! galit na sabi ni Travis dito. "Anong ingay ang nangyayari rito?!" biglang tanong ng kadarating na si Mr. Williams. "Ito! Itong malanding babaeng ito ay kasal pala sa ibang lalaki!" galit na sumbong nito sa asawa nito. "What?!" "Travis! Ano ba ang nangyari sa iyo at nagpapabulag ka riyan sa babaeng iyan?!" galit na tanong ng daddy nito rito. "Daddy, hindi ginusto ni Luisa na magpakasal. Ginawa lang niya iyon dahil buntis na ito nang iwan ko siya!" "Kahit ano pang dahilan ang sabihin mo, hindi mababago ng katotohanan na may asawa na iyang babaeng iyan!" galit na sabi nito. "Lumayas ka na rito!" Baling naman sa kan'ya ni Mrs. Williams. "Hindi siya aalis! Walang aalis dito! Pero kapag pinilit niyo siyang umalis ay aalis na kaming lahat dito kasama ni Thor

