A warm palm woke me up. Tumambad sakin ang maamong mukha ng lalaki. Agad akong bumalikwas ng bangon. I shot him a look.
"You almost killed me!" Singhap ko sa kaniya at sinuntok ang kaniyang matipunonh braso. He didn't even react in the impact.
"Let's go down to eat dinner. Then, we will talk about your purpose in this house" he said in a formal tone. Sumunod ako sa kaniya. I am really a prisoner here.
"Nasan ako?" Tanong ko sa kaniya. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad sa hagdanan. Wala siyang balak sagutin ang mga tanong ko.
Iba na ang disenyo ng bahay. It is more modern and contemporary. High ceiling with a chandelier. Sa ibaba ay makikita ang malaking living room. May dining table na din for about 10 people. Akala ko dun kami kakain pero hindi.
Pumasok siya sa isang hallway kung saan nandun ang malaking kusina at sa unahan nito ay isang dining table din.
May naka handang pagkain na sa mesa. I was silent while following him. I examine every faces of his bodyguards. Tumigil ang tingin ko kay Volkov. Pinukol ko siya ng masamang tingin, he immediately looked away and gulped.
"Mamaya ka sakin" pagbabanta ko at tinapik ang kaniyang ilong. When I turned to face their boss, my eyes widened when I saw his dark gaze at me. His jaw clenched. Naka pamulsa pa siya habang hinihintay akong maupo.
Nagtungo ako sa kinaroroonan niya at umupo sa hapag.
"Nasaan ako?" Tanong ko, he just glance at me and put food on my plate. Kahit na gabi na ay napansin kong nasa kagubatan kami. Maraming nag tataasang niyog sa paligid.
"Where are we?" Tanong ko ulit sa isang matigas at madiing tono.
"I can't tell you, baka tatakas ka na naman" I scoffed. So he speak Filipino?
"Hindi ka naman makakatakas dito kaya no worries" sabi niya, I looked at the bodyguards who are also looking at each other as if this is their first time their boss talked.
"At anong gagawin ko dito? Tutunganga? Mag fifinger?" Volkov burst out laughing when he heard my last question. I looked at him confused. Bumaling ako sa ibang bodyguards at ganun din sila. Pinigilan ang sariling huwag matawa.
"Bakit? Bakit ganiyan' ka maka tingin sakin?" Nagtataka kong tanong nang tinignan ko ang kaniyang nalilisik na mga mata. His jaw clenched. Alam ko napaka loka loka ng huling tanong ko pero nadulas lang naman yun.
"Your mouth has no filter Miss Floquentez" he said in a serious tone.
"Bakit? Hindi ka pa nakakita ng babaeng nag fifinger? Tsaka anong gagawin ko dito? Paano ko babayaran ang utang ng mga magulang ko? Mag tatrabaho?" Sunod sunod kong tanong. He took a deep breath.
"You'll stay here. You will help the maids to clean the house" ma awtoridad niyang sabi. Nag kibit balikat naman ako. Sanay naman ako sa gawaing bahay kaya okay lang.
"You will cook for me, you will take care of me and you will pleasure me" nagtaas ako ng kilay sa huli niyang sinabi. Inis ko siyang tinignan.
"Anong klaseng pleasure? Mouth job? Hindi ako marunong dun" his eyes darkened, tumawa na naman si Volkov sa likod ko kaya siniko ko siya. Pinigilan parin niyang huwag matawa.
"Ang dali lang naman kasi yang pinapagawa mo" reklamo ko. Nagtaas siya ng kilay.
"If you don't know how to suck, I'll teach you right now" he said with a smirk in his face. Natigilan din ang mga taunan sa likod. Seryoso? Nagbibiro lang naman ako. I don't suck my enemies nakakadiri yun.
"I don't suck d**k you mad man" hindi ko na pigilang sita. Ngumisi siya at pinagpatuloy ang pag kain. Is he switching personalities depending on the person he met? Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay nagtungo na ako sa kuwarto ko siya naman ay nagpunta sa study room. Umupo ako sa kama at tumitig sa kawalan.
Bakit parang wala lang sakin na dinukot ako ng lalaking ito. He kidn*pped me for ransom. Kakasuhan ko siya pag na rescue ako dito. Tama rescue! Kinapa ko ang aking bag.
Kinuha ko ang cellphone at nagulantang dahil sira na iyon. Durog na durog ang cellphone ko, hinagis ko ang bag sa sahig dahil sa inis.
"f**k you, you piece of s**t!" Sigaw ko at nag taas ng middle finger sa ere. Ano nang gagawin ko? Yung telepono dito putol ang linya tapos wala pang TV. Walang kahit anong gadgets. Wala akong matawagan o mai u-update sa sitwasyon ko. I need to think critically.
Pabalik balik ako sa daan habang hawak ang aking baba. I need something to escape in here. Tumingin ako sa digital watch na nasa bedside table. Sakto alas dos na ng madaling araw. Kinuha ko ang bed sheet at ang malaking comforter tsaka itinali ito sa isa't isa.
Nang makuha ko ang saktong haba ng tali ay hinuloh ko na ito sa terrace. Sinigurado kong nakatali ang aking ginawa sa matigas na bagay na kayang suportahan ang timbang ko. Mahigpit kong hinawakan ang comforter habang dahan dahan kong pinababa ang sarili. Ang taas ng mansyon na to.
Tumalon ako sa bermuda at palihim na tumakbo. Malalaki ang ngisi ko nang bukas ang gate. Mga bobo nakalimutan pa yatang isara ang gate. Nang makalabas na ako ay napanga nga ako sa mga nag sitayugang mga punong kahoy. Naglakad ako sa kalsada. Naglalakad at tumatakbo pag nakarinig ng kaluskos. Ang tahimik ng lugar, tanging ang mga pak pak lang ng mga panikinang naririnig ko pati ang mga hayup na tumutunog pag gabi.
Mahigit dalawang oras na akong naglalakad pero hindi parin ako nakarating sa dulo. Uhaw na uhaw na ako at masakit na ang katawan ko. Suot ko parin ang waitress uniform ng The Warehouse Night Club.
Humilig ako sa malaking puno ng niyog. Nakarinig ako ng hampas ng alon. Napapikit ako ng mariin. Nasaan ako? Ipinikit ko ang aking mga mata para sana sa isang maikling tulog.
Nagising ako dahil sa malakas na kaluskos sa paligid. Malapit nang sumikat ang araw. Puno ng sugat ang mga balat ko at may kaunting punit ang suot ko. I heard a vehicle approaching to where I am.
Agad akong tumayo at tumakbo. Hindi na ako dumaan sa kalsada kundi sa gitna ng kakahuyan. Nakaramdam ako ng sakit sa mukha nang tumama ito sa sanga ng kahoy.
Palapit ng palapit ang sasakyan. Abot ang aking hininga habang tumatakbo. Ang bilis ng pintig ng puso ko ang siyang nakakapag palala ng sitwasyon. Nagulat ako nang bigla akong nadapa. Ang sakit na ng mga binti ko dahil sa kakatakbo. Hinihingal nadin ako.
My mind is going crazy, knowing that those men kept on chasing me for some unknown reason. Nakakita ako ng malaking bato sa gitna ng gubat. Nagtago ako dun at pinulot ang isang malaking kahoy.
I heard footstep coming near me. Nakapikit lang ako habang pinakiramdaman ang hangin na tumama sa mukha ko. Marahas ang hangin na yun at sobrang lamig.
Nakaramdam ako ng tao sa likod ng bato pumusisyon na ako at inihanda ang sarili. Nang humakbang ang lalaki ay agad kong hinampas ng kahoy pero naka ilag siya at madaling nakuha ang malaking kahoy sa kamay ko. Nakatalikod na ako sa kaniya.
"s**t! LET GO OF ME!" Sigaw ko nang maramdaman ang kaniyang mga bisig sa beywang ko. I can feel his breath touched my skin. It sends me shiver to my spine.
"Uh-huh no," he sneered each word dripping with mockery "I bought you and you're not going anywhere" he added in a low voice and smooth like venom.
I felt like I've been slapped ten times in a row. He bought me? What am I a property? I scoffed and try my best to escape in his tight hold.
"Let go of me you bastard. You son of satan!" I screamed as he carry me to his shoulder like I am just a sack of fertilizer. Pinapadyak padyak ko ang aking mga paa at sinuntok suntok ang kaniyang likod.
"Let go. Sabi nang bitawan mo'ko!" Sigaw ko, sa kaniya at sinuntok suntok parin ang kaniyang likod. Nagulantang ako nang bigla niya akong ibinaba dahilan para mahulog ako at tumama ang katawan ko sa matigas na lupa. Napadaing ako sa sakit. Pinalipas ko ang ilang segundo na ganun ang posisyon ko bago ako tuluyang tumayo.
"Bakit moko binitawan!" Galit kong sigaw. He just shrugged and walked passed me.
"You have no manners!"
"You said to let you go so I did"
"Hindi mo ba alam ang salitang 'GENTLEMAN' ha bobo mo naman" galit kong singhal at nauna nang naglakad. Kahit na sa ilang minuto ay bibigay na ang tuhod ko sa sakit, tinulak ko parin ang sariling maglakad. Galit ako, kung kanina halos mamatay ako sa kaba ngayon mamamatay ako sa galit. Padabog akong naglakad. Hanggang sa unti unti nang nanghihina ang sistema ng binti ko. Nangangawit na ito kaya tumigil muna ako at umupo sa bato.
Pinukulan ko ng masamang titig si Draco. Hindi siya nakatingin sakin. His eyes were fixed towards the forrest. Sumimangot ako nang patuloy siya sa paglakad na para bang hindi ako nakita.
Kinuha ko ang maliit na bato malapit sakin at inihagis sa kung saan. After five minutes of resting my limbs. I stood up again and began to walk forward. Mahina akong napadaing nang napagtantong di ko pa kayang maglakad dahil masakit na talaga ang binti ko. Uhaw na uhaw na ako at nagugutom. Sumikat na ang araw at palagay ko ay mga isang oras kaming naglalakad.
Sinubukan kong tumayo ulit, nakayuko ako habang pinapanood ang mga binting mahinang lumakad.
Narinig ko ang taong papalapit. Nag angat ako ng tingin at sumimangot nang makita ko ang mukha ni Draco na nakataas ang sulok ng kaniyang labi. I walked passed him when I felt his mockery.
"AHH!" Tili ko at napakapit sa matipuno niyang balikat nang bigla niya akong kargahin na parang bride. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg nang hindi tumingin sa kaniya.