Nagising ako sa mahigpit na yakap at maliliit na halik na itinatanim sa aking pisngi. Hindi ko man magawang imulat ng lubusan ang talukap ng aking mga mata ay hindi ko na kailangan pang makita kung sino ito dahil napupuno ang ilong ko ng mabangong panlalaki niyang amoy na kabisadong kabisado ko. Napapangiti ako sa bawat pagdampi ng kanyang labi sa pisngi ko. "Good Morning Hon.." malambing na bati niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga na kumiliti sa aking nakalantad na leeg. "Good Morning," bati kong pabalik sa kanya. Napakasarap palang gumising sa umaga na mukha ng taong mahal mo ang bubungad sayo. Idinantay pa nito sa braso at binti sa aking katawan at mahigpit pa lalong niyakap. "How are you feeling? May masakit pa ba sa'yo?" Malambing nitong bulong sa aki

