"Andeng, okay ka lang ba?" Dumulog sa akin lahat ng kasamahan ko matapos ang gulo kanina sa labas ng branch. May kalahating oras pa bago magbukas ang bangko kaya minabuti nilang samahan muna ako dito sa pantry. "Girl, sorry ha. Pero...totoo ba na mag jowa kayo ni Sir Jake?" nag-aalangang tanong ni Jackie. Hindi ko nagawang sumagot at tanging ang pagtitig ko sa kanya ang naging sapat na sagot sa tanong niya. "Kaya pala lagi kayong sabay pumasok at umuwi. Pati sa lunch ay sumasabay siya sa'yo e dati laging lunch out yun", dugtong pa nito. " Kelan pa Andeng?" Tanong naman ni Sir Art. "One month pa lang". matipid na sagot ko. "Sorry sa gulong dinala ko dito, Ma'am Jonah" malungkot at naiiyak kong baling sa kanya. After all ay may pagkakamali pa din ako kahit hindi naman namin gusto at pla

