CHAPTER 41 --------------- YANZ POV --------------- "Bakit onii-san? May nangyari ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Last time kasi na hinanap nya ako ay yung napalayas nga ako ni Rollo sa kwarto. "Ah wala! Wala naman," sabi nya na umiling iling pa. "Pero may hihingin sana akong pabor sayo," dagdag nya at mukhang seryoso na naman sya. "Ano naman yon?", Interesadong tanong ko. "Ganito kasi yon," sabi nya na inakbayan pa ko tapos ipinaliwanag nya yung sitwasyon at yung plano nya. Basta blah blah blah lang sya tapos pinakinggan ko lang sya. Base sa pagkakaintindi ko ay pupunta daw sya mamaya after school sa kabilang building. Ibig nyang sabihin ay doon sa kabilang school kung saan ay puro girls. Bilang isang journalist ay sya kasi ang naatasan na interviewhin yung bagong halal na

