SPECIAL CHAPTER (91) ------------------------------------ LIAM POV ------------------------------------ "F*CK you all! Bitiwan nyo ko!" Narinig kong paulit ulit na mura ni uncle sa mga security na naka restrain sa kanya. Actually ay halos sabihin na nga nya lahat ng masasamang salita sa buong diksyonaryo ng nihongo. I sigh. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob para kalabanin sya. Buong buhay ko kasi ay sya na ang taong hinangaan ko higit kanino pa. Iginalang ko sya at minahal na parang isang tunay na ama. Kaya nga ganoon nalang ang disappointment na naramdaman ko nung malaman ko ang lahat ng kasamaan nya. Kung paano nya kabilis binuo ang mundo ko bilang taga sunod nya ay ganoon din ito kabilis na gumuho. Sabi nya namatay ng mga magulang ko sa isang aksi

