CHAPTER 37 --------------- YANZ POV --------------- "Sa Tv lang iyon!" Alibi ko sabay nguso ko sa naka bukas na tv. Pero tinignan lang nya ko ng may pagdududa. "Wow, mukhang hindi ka naniniwala? Don't tell me inaakala mo na may tinatago akong babae dito sa kwarto ko?" Kunyari ay tamang duda ko. Hindi nakakibo agad si Rollo. Yung parang may gusto syang sabihin pero hindi nya maisip kung saan sya magsisimula. "Nevermind!" Maya maya ay sabi nya. "Anyway, nasan yung lenses ko?" "Nandiyan!" Sabi ko sabay turo ko sa lagayan na nasa tabi nya. Buti nga at doon ko nailagay iyon sa medyo malapit. Ganitong hindi ako makatayo ng maayos ay mahihirapan akong lumapit sa kanya para i-assist sya. Nung makuha na nya yung gusto nya ay walang sali-salitang bumalik na sya ng CR. Nung naisara nya yung p

